Dagupan City – Agad na narespondehan ng kapulisan ang isang lalaki na nagtatangkang tumalon sa Pantal River sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa kakilala nitong si Marvin Uimerista sinubukan pa umano nilang tawagin ang lalaki ngunit nagpupumilit ito na tumalon sa ilog.
Pagsasalaysay nito, pauwi na sana ang mga ito kasama ang kaniyang asawa sa Camiling, Tarlac nang biglang tumakbo ito papalapit sa ilog.
Isa naman sa kanilang nakikitang dahilan kung bakit ito nagtangkang tumalon ay dahil sa pagkakaroon ng hindi pagkaunawaan ng kaniyang asawa.
Ayon naman sa saksi na si Maria Theresa inakala nitong magkakabit ng kable ang lalaki dahil umakyat sa nasabing bahagi ngunit laking gulat na lamang din nila nang nalamang nais nitong itilin ang kaniyang buhay.
Sa kasalukuyan, nasa maayos nang kalagayan ang lalaki ngunit nananatiling tikom sa pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa pangyayari.