BOMBO DAGUPAN- Inaresto ng mga otoridad sa Pakistan nag isang lalaking hinihinalang may kakagawan ng cyber terrorism kaugnay ito sa isang disinformation na nagdulot ng kaguluhan sa United Kingdom.
Kinilala ng mga kapulisan ang inaresto na si Farfan Asif. Ito umano ay may kaugnayan sa isang website na naglahad ng maling pangalan na umatake umano sa Southport. Sinabi niya din na isa siyang asylum seeker na nakarating sa UK gamit ang maliit na bangka kahit hindi naman ito totoo.
Nakita sa mga kagamitan ni Asif ang 2 laptop at isang cellphone kung saan nakitang active ang website na Channel3Now na ginamit sa nasabing krimen.
Samantala, kumalat din umano sa social media ang kaniyang inilabas na article sa nasabing website.
Dahil dito, sumiklab ang kaguluhan sa England at Northern Island matapos ang pananaksak, na ikinasawi ng 3 dalagita.