Hindi man lahat pero isa sa ayaw ng ilang mga kababaihan ay ang magsuot ng high heels.

Gayunpaman, kinabog ng isang lalaki mula Spain ang ilang mga babae matapos nitong makapagtala ng world-record na tumakbo nang patalikod habang nakasuot ng high heels.

Pak na pak ang datingan ni Christian Roberto López Rodríguez nang higitan niya ang sariling titulo na makatakbo sa layong 100 meters sa loob ng 20.05 seconds dahil sa pagkakataon ito, naitala niya ang bilis na 16.55 seconds.

--Ads--

Para maging opisyal ang record, dapat nakasuot kay Rodríguez ang heels na may taas na 2.76 inches at 0.59 inches laki ng tip nito na kaniya naman napagtagumpayan.

Kilala na siya bilang isang serial Guinness World Record-breaker.

Sa kasalukuyan ay hawak niya ang 80 world titles, kabilang na ang fastest 400 meters habang nakasuot ng clogs na may bilis na 1 min. at 1.38 seconds.