Mga kabombo! Talagang mapapa sana all ka sa isang lalaki sa Benguet kung makita mo ito habang nag-papamper day!

Talagang napa sana all kasi ang mga nakasaksi at mga nitizens sa social media post ng isang lalaking – aba! mala-señoritong eksena sa Kapangan Benguet?

Makikita kasi sa larawan na hindi lang isa, kundi apat na trainers ang naglilinis sa kaniyang kuko.

--Ads--

Mula ito sa kaniyang mga kamay at hanggang sa daliri sa paa ay dahan-dahang nililinis ng apat na manikurista ang kaniyang mga kuko.

Ngunit take note, bawal ang judgemental. Dahil ayon naman sa lokal na pamahalaan ng Kapangan, ang naturang eksena ay bahagi ng kanilang five-days skill training sa Nail Art para sa Out of School Youth sa mga solo parents, at Persons with Disabilities o PWD.