Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa tukoy na dalawang suspek sa Brgy. Bigbiga, sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.
Ayon kay police major Ramil Mindioro, chief of police sa bayan ng San Fabian, kinlala ang biktima na si Domingo Tome , 58 anyos, vegetable vendor at residente sa nasabing lugar.
Lumalabas sa initial na imbestigasyon na habang nasa harap ng kanilang bahay ang biktima, huminto ang sasakyan ng dalawang hindi nakikilang lalaki at agad na binaril ang biktima.
--Ads--
Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
Patuloy namang inaalam ng kapulisan ang motibo ng pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.