Mga kabombo! Nakakita ka na ba ng madre na lalaki?

Marami ang nagtatanong kung posible kaya ito?

Isang patototoo kasi na posible ito matapos ibahagi ang isang ulat na tungkol sa buhay ng
isang lalaki sa Dominican Republic na 22 taon na nagpanggap na madre, bago tuluyang mabunyag ang kanyang lihim.

--Ads--

Kinilala umano itong si Frank Tavares, kung saan ay lumaki ito sa pangangalaga ng mga madre matapos mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente.

Ayon kay Tavares, napa­kaamo ng kanyang mukha noong siya’y bata pa kaya pinalaki siya na parang isang babae ng mga madreng nagpalaki sa kanya.

Ngunit habang nagkaka-edad ito, napagtanto niya na isa pala siyang lalaki ngunit pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay sa kumbento bilang si “Sister Margarita” upang hindi ito mapalayas.

Dito na ibinahagi kung paano nga niya ito ginagawa, batay sa ulat, umiiwas siyang maligo kasama ang ibang madre, nagsusuot ng maluluwag na damit, at gumagawa ng paraan upang hindi mahalata ang kanyang sikreto.

Ngunit nang siya ay magbinata, nagsimula siyang magkagusto sa ilang nobisiyada. Sa isang pagkaka­taon, nabuntis niya ang isa sa mga ito kaya kinailangan niyang lumipat sa ibang kumbento upang takasan ang eskandalo.

Ngunit sa bagong kumbento na kanyang nilipatan, muli siyang nadarang sa tukso at na-in love sa isang nobisiyada na nagngangalang Silvia. Hindi nagtagal, nabuntis niya rin ito at nagplano silang lisanin ang kumbento upang bumuo ng pamilya.

Sa kabila nito, hindi naman natuloy ang kanilang plano dahil sa labis na pangambang magalit ang mga madreng nag-aruga sa kanya, kaya pinili niyang manatili at si Silvia lamang ang natuloy lumabas ng kumbento.

Ang kanyang lihim ay nabunyag noong 1979 nang isang guro sa kumbento ang nakadiskubre nito ang isang liham na mula kay Silvia kung saan nakasaad dito ang tungkol sa kanilang relasyon at pagkakaroon ng anak.

Matapos nito, tuluyan na nga niyang nilisan ang kumbento at namuhay bilang lalaki matapos ang 22 taon ng pagpapanggap.

Sa kasalukuyan, si Frank ay 73-anyos at nagtatrabaho bilang isang magaling na mananahi, isang talento na natutunan niya sa kumbento habang si Silvia at ang kanyang anak naman ay lumipat sa U.S. at hindi na niya kailanman nakita ang mga ito. Gayunpaman, itinuturing pa rin niyang si Silvia ang kanyang “one true love”.