Dagupan City – Nahulog sa bangin ang isang kotse habang ang mga sakay nito ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan sa bayan ng San Nicolas.
Ayon kay PCapt. Jerwin Cabreros, Officer in charge ng San Nicolas Municipal Police Station, nangyari ito sa Barangay Santa Maria East sa parte ng villa verde road.
Batay sa salaysay ng isang concern citizen na siyang nagreport na may nahulog na kotse sa isang bangin sa kanilang nasasakupan na may lalim na tinatayang 50 metro.
Agad namang nagtungo ang pulisya at dito na tumambad ang 6 na kataong sakay ng kotse kabilang na ang driver.
Ayon kay Cabreros, pamilya ang mga ito at residente sa bayan ng Manaoag, pauwi na sana sila mula sa mga tourist destination sa Barangay Malico nang biglang hindi na gumana ang preno ng kanilang sasakyan kaya agad din itong nakaldkad at dumiretso sa bangin.
Dito na nagtamo ang mga sakay ng sasakyan ng minor injury, nadala naman na ang mga ito sa hospital at inaalam ang iba pang mga galos na natamo sa katawan.
Sa kabuuan, ito na ang ikatlong insidente ng pagkahulog sa bangin sa kanilang nasasakupan ngayong taon 2024 kung saan may isa nang naitalag nasawi.