Pinasok ng mga pinaniniwalaang sindikato ng magnanakaw ang isang Korean minimart sa barangay Nancayasan sa lungsod ng Urdaneta.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay David De Castro Ciano Jr., may ari ng convenience store, tinatayang nasa P15,000 hanggang P20,000 na halaga ng mga paninda ang ninakaw ng mga hindi kilalang grupo ng mga magnanakaw.
Sinabi ni Ciano na may look out sila, at nang malaman nilang 2 tao lang ang nasa loob ng tindahan ay sinamantala nila ang pagkakataon na pasukin.
Base sa kuha ng CCTV camera, sunud sunod na pumasok ang mga suspek at nagkunwaring hindi magkakakilala.
Sa pag aaral din sa CCTV, nalaman lamang nilang magkakakilala sila dahil nagtitinginan at nagsesenyasan sila habang naglalagay ng mga ninanakaw na items.
Modus nila ay iniipit nila sa counter ang mga tao at nililito nila ang kahera dahil kung anu-ano ang tinatanong at itinuturo.
Habang may nagbabayad ay sinasamantala naman umanoang paglalagay ng mga ninakaw na item sa plastig ba.
Saad pa ng kahera nila ay para silang nahi hypnotize.
Nangyari ang insidente sa pagitan ng alas 5:30 at ala 5:45 ng hapon noong Martes, Agosto 30.
Nang mag ala sais na ng gabi ay saka nadeskubre ng mga tao nila sa tindahan na kulang kulang na at may mga nawawala sa mga idinisplay na item.