DAGUPAN, CITY— Kasalukuyang nasa pagamutan ang isang karpintero matapos saksakin ng nakainuman nito sa Brgy. Balingasay sa bayan ng Bolinao.
Sa impormasyon ay nakatanggap umano ang PNP ng report mula sa isang hospital na anoy mayroong biktima ng pananaksak ang naisugod sa kanilang pagamutan. At nakilala itong si Jose Paltep, 51 anyos, may asawa na residente sa nasabing lugar.
Habang kinilala naman ang suspek na si Ryan Galle, 37 anyos, construction worker na residente naman ng Brgy. Arnedo sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan lumalabas na ang biktima kasama ang mga kamag-anak nito at ang suspek ay nagiinuman sa isang birthday party.
At makalipas ang ilang oras ng kanilang pag iinuman ang biktima at ang suspek ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at nagbitaw umano ng hindi magagandang salita si Paltep sa suspek at sa misis nito na nagtulak upang kumuha ng kutsilyo si Galle at biglang sinaksak nito ang biktima partikular sa kaliwang bahagi ng tiyan nito.
Agad namang isunugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng paunabg lunas at kasalukuyang inoobserbahan.
Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit na kutsilyo at ang suspek ay nasa kustodiya na ng Pnp para sa maayos na disposisyon.
Nakikita namang motibo sa insidente ng pananaksak ay kalasingan at hindi pagkakaintindihan ng biktima at suspek.