Mga kabombo! Ikaw ba ay plantito o plantita?
Maniniwala ka ba na kayang tumubo ng isang halaman kahit na hindi mo ito inaalagaan o sa madaling salita, hindi planado?
Ito kasi ang nangyari sa Cuba kung saan ang tumubo ang isang saging.
Ayon sa ulat, Nagkaroon ng butas ang linya ng tubig sa isang kalye sa El Cerro, Havana, Cuba tatlong taon na ang nakararaan.
Kung saan napabayaan na ng local authorities na ayusin ang malaking sirang daanan sa kalye na sanhi ng water leak. Isa nga ito sa mga sirang kalye na sa kabuuan ay nasa 70%.
Sa hindi rin kasi inaasahang pagkakataon, tinubuan na ito ng saging at mga herbaceous. Hindi lang iyan, dahil naging mala-maliit na banana garden ang dating nito.
Napag-alamang tinabunan naman ng local authorities ang malaking uka—pero hindi na tinapalang muli ng aspalto.
Hindi natukoy kung sino ang nagtanim ng saging, pero nagtulung-tulong ang magkakapitbahay para alagaan iyon at diligan.
Dumami na rin ang mga saging, at ang iba ay namumunga na.
Sa kabila nito, marami naman ang nagsabing bagaman at nakakatuwang tingnan ang mini banana garden, isang malinaw na larawan din iyon ng kapabayaan ng lokal na pamahalaan.