Dagupan City – Mga kabombo! May nakapanood na ba kayo ng “street fight racing dove”?

Kung oo, ibahin niyo rin itong kalapati racing sa Nueva Ecija!

Dahil ang pakulo ng mga ito, kasama ang mga tao? At ang premyo sa mananalong grupo, hindi puwedeng maliitin, at ang mananalong grupo, maghahati sa P13,200 na premyo.

--Ads--

Sa isang palabas, sinabing ang karera na tinawag na “street fight racing dove” na siyang nagsilbi umanong libangan ng mga nag-aalaga ng mga kalapati sa lugar.

Ang twist, dalawang grupo na may tig-pitong miyembro ang maglalaban: ang team Kalapatids at team Introbirds. Habang ang mga kalsada at mga eskinita ang magsisilbing race track sa karerahan. At ang finish line, mapapagitnaan ng dalawang grupo na nasa magkabilang bahagi at may layo na tig-750 meters ang distansiya mula sa finish line.

Ang pitong runner, nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng racetrack. Ang unang runner, may hawak na kahoy at kailangan niya itong ipasa sa susunod na runner, na muling ipapasa sa isa pa, na gaya sa relay games hanggang sa makarating sa ikapito at huling runner na tatakbo sa finish line.