Mga kabombo! Sa buong buhay mo ay nakakita ka na ba ng itlog na bilog? Kung oo, kaya mo ba itong bilhin?
Isang perpektong bilog na itlog ang ibinebenta sa United Kingdom sa halagang £420 o may katumbas na higit P31,000.
Ang rare na itlog na ito ay nakita sa Fentom Farm matapos ang pasko at dinala ito sa isang auction para makalikom ng pera na ilalaan sa isang charity.
Ayon kay Alison Greene, isang egg handler sa naturang Farm, sa loob ng tatlong taon niyang pagtatrabaho at sa halos 30,000 na itlog kada linggo na kaniyang nakikita at nahahawakan ay ngayon lang siya nakakita ng perpektong hugis bilog.
Bagaman noong Enero pa nila ito nakita at nitong linggo lang din isinagawa ang auction, upang maiwasan ito na mabulok ay naka-preserve ito sa asin.
Ikinagulat naman ni Greene ang naging halaga nito sapagkat umaasa siyang aabot lang ito ng £10 o P741. Aniya, ipinangako niya pa sa kaniyang sarili na siya na ang bibili nito kung maliit lamang ang halaga.