Mga Ka-Bombo! Itinuturing ang mga ina bilang ilaw ng tahanan dahil sa kanilang hindi matatawarang sakripisyo.

Upang maisabuhay ito, gumawa ng paraan ang ang isang lalaki sa United Kingdom upang iparamdam ito sa kaniyang asawa na isa ring ina.

Isang influencer kasi mula sa United Kingdom na si Camilla Do Rosario ang nagbahagi ng isang kontrobersyal na kasunduan ng kaniyang asawa na tinatawag niyang “woman tax.”

--Ads--

Ayon kay Camilla, binabayaran siya ng kanyang asawa ng buwanang halaga bilang kompensasyon sa mga hirap na dulot ng pagiging ina.

Ibinahagi niya na binibigyan siya ng kanyang asawa ng 85 Pounds (tinatayang Php 9,000) tuwing dalawang linggo.

Ang kabuuang halaga nito ay umaabot sa 2,500 Pounds (o Php 263,783) kada taon.

Ginagamit daw niya ang perang ito para sa kanyang personal na gastusin, tulad ng pagpapagawa ng kuko, bilang isang paraan upang mabalanse ang pisikal at emosyonal na epekto ng pagiging ina.

Ayon kay Camilla, ang “woman tax” ay para sa mga sakripisyong dulot ng pagiging babae, tulad ng buwanang menstruation, dalawang mahirap na pagbubuntis, at dalawang C-section na isinagawa sa kanya.