DAGUPAN CITY- Arestado ng Dagupan City PNP ang isang indibidwal sa Brgy. Pantal sa lungsod na nagbebenta ng illegal na paputok.
Ayon kay PLt. Col. Brendon Palisoc, Chief of Police ng Dagupan City PNP, nakumpiskahan ito ng mga malalakas na paputok na siyang kabilang sa mga ipinagbabawal.
Samantala, idineploy naman kagabi ang kalahati ng kabuoang 148 PNP personnel ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa pagsalubong ng bagong taon.
Kabilang sa mga lugar na pinagtalagaan ay ang mga boundaries patungong San Fabian, Mangaldan, Calasiao, at Binmaley.
Iba pa rito ang mga pumapatrolyang kapulisan kasama ang mga swat.
Sa kabilang dako, dinagsa ang bilihan ng paputok sa Poblacion Oeste sa lungsod ng Dagupan ilang oras bago ang pagpasok ng bagong taon.
Ayon kay Paulo Lopez, firecracker vendor sa nasabing lugar, naging matumal man ang umpisa ng kanilang pagbebenta subalit sa mga huling araw ay dumami na rin ang mga bumili sa kanila.