Dagupan City – Nasawi ang isang sakay ng truck habang sugatan naman ang driver nito matapos maaksidente sa isa pang truck sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Salvacion sa bayan ng Sto. Tomas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nangyari ang aksidente bandang alas 6 ng umaga kung saan ang truck na sinasakyan ng mga biktima ay aksidenteng bumangga sa isa pang truck na papaliko sana sa nasabing kalsada.

Dahil sa pangyayari nagtamo ng ibat-ibang sugat sa katawan ang mga biktima kaya agad silang dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ang sakay nito.

--Ads--

Samantala, kritikal naman ang kalagayan ng driver at sumasailalim pa sa obserbasyon.

Kasalukuyan namang kinukuha ng mga awtoridad ang mga salaysay ng driver at pahinante ng nabanggang truck, na pansamantalang nananatili sa himpilan ng Santo Tomas Police Station.

Dahil dito, Patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente upang alamin ang tunay na sanhi ng nasabing pangyayari.