Mga Ka-bombo! Pangarap mo rin bang makalipat sa ere tulad ng mga ibon?

Paano kung mabigyan ka ng pagkakatong gawin ito? Gagawin mo bang extreme ang iyong experience?

Ganito kasi ang nangyari kung saan isang nakakabilib na tagpo ang nag-viral sa social media nang isang skydiver mula sa India na si Anamika Sharma, ay naghoist ng Maha Kumbh flag, isang kakaibang watawat mula sa eroplano sa taas na 13,000 paa sa ibabaw ng Bangkok, Thailand.

--Ads--

Ang viral na video ay mabilis na kumalat sa social media at umabot sa mahigit 8 milyong views, dahilan upang makuha ni Anamika ang papuri at paghanga mula sa mga netizen.

Maraming sumuporta sa kanyang katapangan at kahusayan sa paggawa ng isang makapangyarihang mensahe sa buong mundo.

Ayon naman sa mga dalubhasa, ang Maha Kumbh ay isang pagdiriwang ng pinakamalaking pagtitipon ng religious devotees sa buong mundo,

Ang Poorna Kumbh 2025 ay magtatagal hanggang Pebrero 26, 2025, at tampok ang ilang mahalagang “snan” (ritwal na pag-ligo) tulad ng Makar Sankranti, Mauni Amavasya, Basant Panchami, at Maghi Purnima.