IT’S A BOUNCING BABY BOY!
Mga kabombo! Imbis na ihahatid lamang sa ospital ay inabutan na ng panganganak!
Ito ang nangyari kahapon ng hapon (February 6, 2026) sa barangay Bonuan Gueset Dagupan City.
--Ads--
Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Erickson Tan, pasado alas tres ng hapon nang humingi ng tulong sa barangay ang mag-asawa hindi naman nag-atubili si Kagawad Leo Cuaton, Barangay kagawad on duty na gamitin ang kaniyang pribadong sasakyan.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, sa kasagsagan ng kanilang biyahe ay naabutan na ng panganganak ang ginang.
Matagumpay namang natulungan ito nina Marissa, BHW ng Bonuan Gueset katuwang si Kagawad Leo Cuaton, Admin Jong Ramos, at Secretary Janet.










