Mga Kabombo! Alam niyo ba na may babae sa Japan na inaresto dahil itinago niya ang bangkay ng anak niya sa freezer nang 20 taon?
Oo, tama ang nabasa niyo! Kinilala ito na si Keiko Mori, 75 anyos mula sa Ibaraki, Japan.
Kinilala naman ang bangkay bilang kanyang anak na si Makiko, na ipinanganak pa noong 1975.
Ayon sa lokal na pulisya, nasa “advanced stage of decomposition” na ang bangkay kaya isasagawa ang autopsy para malaman ang sanhi ng kamatayan.
Sabi ni Mori, bumili siya ng freezer para itago ang katawan ng anak niya.
May iba pa siyang mga anak pero hindi pa malinaw kung ano ang sinasabi nila tungkol dito.
Si Mori ay naninirahan nang mag-isa simula nang pumanaw ang mister niya noong nakaraang Setyembre.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.