Mga Ka-Bombo! Gumagamit ka ba ng Artificial Intelligence (AI)?
May lakas ng loob ka bang gumamit nito upang makapag-apply ng trabaho kahit na ikaw ay nagpapahinga?
Ito kasi ang strategy ng isang lalaki mula sa isang online community matapos niyang gamitin ang Artificial Intelligence (AI) upang mag-apply sa 1,000 trabaho habang siya’y natutulog.
Aniya, sa pamamagitan ng AI, natutulungan niyang makapag-submit ng mga aplikasyon, kasama na ang mga CV at cover letter na personalized sa bawat trabaho.
Bagamat nakatanggap siya ng mga kamangha-manghang resulta, binigyang-pansin niya ang mga potensyal na epekto ng teknolohiya sa ugnayan ng tao sa mga trabaho.
Sa social media, ibinahagi ng lalaki ang kanyang karanasan kung paano nakatulong ang isang homemade AI bot na pinrograma niya upang mag-apply sa maraming trabaho.
Aniya, ang bot ay awtomatikong gumawa ng mga dokumento tulad ng CV at cover letter batay sa bawat job description, at ginawa ito lahat habang siya’y mahimbing na natutulog.