BOMBO DAGUPAN – Nahuli ang isang high value target individual sa isinagawang buy bust operation sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan

Ayon kay Agent Richie Camacho – Provincial Officer, Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya, kinilala naman ang suspek na si Gemalyn Dumantay tubong Malasiqui, Pangasinan at may previous record na din ito sa parehong kaso.

Nahulihan ito ng ilegal na droga na umaabot sa timbang na limang gramo na may katumbas na P34,000.

--Ads--

Ani Camacho, nakulong na ang suspek noon at nabigyan ng pagkakataon na magbagong buhay pero bumalik pa rin sa dating gawain.

Sa kasalukuyan ay nasa himpilan na ng San Carlos PNP ang suspek at nahaharap sa karamptang kaso.

Samantala, binigyang diin naman ni Camacho na ginagawa ng kanilang ahensiya ang kanilang makakaya para sugpuin ang ilegal na droga sa lalawigan .