Naaresto ang isa sa itinuturing na high value individual at top 9 Regional priority target sa barangay Palguyod sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Estrella Aspiras, 36 anyos, residente ng barangay Palguyod at dating tumira sa ilocos Norte.

Ang inarestong suspek ay isa ring co-leader ng Rapisura Drug group na nagpapatakbo ng iligal na droga sa Ilocos Norte at Pangasinan.

--Ads--

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Article 2 section 5 ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act at isa pang warrant of arrest para sa kasong direct assault.

Nakumpiska mula sa suspek ang 2 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang glass tube .

Nasampahan na ng kaukulang kaso ang naarestong suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng himpilan ng Pozorrubio .

Kasalukuyang nagsasagawa ng surveillance ang awtoridad sa iba pang miyembro ng nabanggit na drug group.