DAGUPAN CITY- Matagumpay ang Sta. Barbara PNP sa pagkaaresto ng matagal nang binabantayang High Level Individual matapos ipatupad ang buybust operation.

Ayon kay PLt. Col. Romel Labalan, Deputy Commander PNP Drug Enforcement Group Operations Unit 1/Team Leader, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kinilala ang naarestong suspek na si Jeffrey Dela Cruz, 37 taon gulang, residente ng Brgy. Tebag East, sa naturang bayan.

Aniya, sa pamamagitan ng kanilang poseur buyer, nahulihan ang suspek ng bultong hinihinalang shabu na nagkakahalagang P10,500.

--Ads--

Maliban pa riyan, nakumpiska rin ang Nineteen (19) piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa kabuoan, umaabot ng higit 45 grams o may katumbas na P430,000 ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu mula sa suspek.

Ani Labalan, matagal nang binabantayan ng kanilang pwersa ang suspek.

Patuloy pa ang kanilang imbestigasyon upang alamin kung may mga kasamahan ito.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Sta. Barbara Municipal Police Station.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at ito ay non-bailable.

Samantala, patuloy ang kaniang pagsugpo sa illegal na droga sa bayan ng Sta. Barbara.

Nananawagan sila sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang maiwasang mapalapit ang mga ito sa mga illegal na gawain.