BOMBO DAGUPAN- Patuloy ang isinasagawang search and rescue operation sa Russia matapos mawala ang isang helicopter na may lulan na 22 na katao at karamihan sa mga ito ay mga turista.
Kaugnay nito, 19 sa mga sakay ay mga turista habang 3 naman dito ang on-board crew members.
Ayon sa Emergencies ministires, lumipad ang Mi-8T helicopter mula sa base nito na malapit sa Vachkazhets volcano, sa Kamchatka peninsula. Ito ay patungo sa bulkan.
Ang nasabing lugar ay kilala bilang tourist destination at sikat sa magagandang tanawin at mga aktibong bulkan.
Sinabi ng mga opisyal na nawala ang helicopter sa radar ilang saglit lamang matapos ang paglipad nito.
Hindi na rin nagawa ng mga crew members na matawagan pa ito ng 12:15 ng tanghali, oras dito sa Pilipinas.
Samantala, nahihirapan naman ang mga otoridad sa paghahanap dahil sa makapal na hamog o fog.
Ang iba naman ay tumulong na din sa paghahanap sa Bystraya RIver alley, kung saan din dapat pupunta ang helicopter.