DAGUPAN CITY – Nagkaroon ng depression at anxiety ang isang ginang sa Chengdu, China, matapos siyang makitang natutulog nang hubot hubad ng dalawang window cleaners sa kanilang high-end apartment. Mula umano noon, hindi na naging maayos ang mental condition ng kanyang misis.
Ibinahagi ng kanyang asawa na Mr. Cheng na nagre-rent silang mag-asawa sa isang high-rise unit na nasa luxury apartment complex sa Chengdu, Sichuan province, China.
Ang kanilang buwanang upa ay 10,000 Chinese yuan o PHP79,860.60.
Pagbibigay-diin niya, mahigpit ang naging tagubilin nilang mag-asawa sa front desk ng building na ipagbibigay-alam muna sa kanila kapag maglilinis ng exterior glass.
Ganito rin ang kanilang paalala sa housekeeper.Maging sa building group chat ay binanggit nila ang ganitong request.
Kaya nagulat na lang ang couple nung may dalawang male window cleaners na lumitaw sa labas ng kanilang bedroom.
Nag-demand ang couple ng compensation sa building management.
Nakatanggap sila ng offer na 600 Chinese yuan o PHP4,790.17 discount para sa kanilang next lease contract.
Pero dahil nagbabayad sila ng 10,000 yuan per month, hindi interesado ang couple sa offer.
Naging aktibo si Mr. Cheng sa pagpapakalat sa social media ng China ng tungkol sa insidente para ma-pressure ang management na magbigay ng mas katanggap-tanggap na compensation sa nangyari sa kanyang wife.
Marami rin ang bumatikos sa napakababang offer na discount ng management at nauwi rin ang talakayan sa pagkakaiba ng social class ng mga tao sa China.
Dahil sa nangyari ay nagdesisyon si Mr. Cheng na lumipat na lamang sila ng tirahan.
Umaasa siyang sa panibagong lugar ay magbabalik sa normal condition ang kanyang wife at makakalimutan ang masaklap na nangyari sa kanya.