BOMBO DAGUPAN- Kakaiba ang panibagong nadiskubre ng mga siyentipiko sa makabagong pamamaraan para kontrolin ang mga robot gamit ang isang mycelium o ang fungal network na makikita sa ugat ng mga mushroom.

Gumawa ng dalawang robot ang mga researchers sa unibersidad sa Estados Unidos at Italy na kung saan ginamitan nila ng mycelium ang mga electronics ng mga robot.

Tumugon naman sa iba’t ibang simpleng kondisyon ang fungus na siyang nagpagana sa paggalaw ng mga robot.

--Ads--

Naglakad ang mga ito bilang pagtugon sa natural spikes ng mga signals mula sa fungus.

Ginamitan naman ng mga eksperto ng ultraviolet light upang ma-stimulate pa ang mga ito kung saan nagbago din ang pagkilos ng mga robot.

Ayon sa sakanila, ipinakita lamang nito ang kakayanan ng isang fungus na tumugon sa kanilang kapaligiran.