Pinatunayan ng isang lalaki mula California ang kaniyang pagmamahal sa sports na football sa pamamagitan ng pagbasag sa isang Guinness World Records title.
Sa loob ng isang season, dinaluhan ni Brian Fowler ang 30 NFL stadiums. Ito ay may kabuoang 56 na mga laro sa loob ng 72 days.
Sapat ito para masungkit ni Fowler ang titulo ng may pinakamaraming NFL gmes na dinaluhan sa loob ng isang season.
Bukod pa diyan, nakuha rin niya ang may pinakamabilis na pagbisita sa mga NFL stadiums dahil nagawa niya ito sa loob ng 72 days, 20 hours, at 56 minutes.
Sinabi ni Fowler na may mga pagkakataon na dalawang beses niyang pinupuntahan ang ibang mga stadium para sa bawat home game ng mga magkakaibang koponan na may iisang stadium, katulad na lamang ng New York Jets at New York Giants.










