Dagupan City – Isang eroplano ang bumagsak sa Pangasinan.
Batay sa nakalap na impormasyon, nangyari umano ito sa may bahagi ng Barangay Libsong East, Lingayen, Pangasinan ngayong umaga.
Kung saan, nasawi ang 2 kataong kumpirmadong lulan nito.
--Ads--
Batay sa salaysay ni Nald Somera, saksi sa bumagsak na eroplano, pauwi na umano ito sa kanilang bahay nang makita ang eroplano sa himpapawid na pagiwang giwang, ngunit hindi naman aniya dumapo sa isip niya na babagsak ito.
Hanggang sa matapos ang 15 minuto, nabigla na lamang siya na may mga responders ang patungo sa lugar na pinangyarihan, at nang sundan ito, doon na nga tumambad ang bumagsak na eroplano.