Mga Ka-bombo! Paano mo bang masasabi na ang isang bagay ay emergency?
Mayroon ka bang mga batayan pa rito?
Kakaiba kasi ang nagin karanasan ng mga emergency personnel sa isang Emergency Ambulance sa England, kung saan nakatanggap sila ng iba’t-ibang klase ng mga tawag na kung titingnan ay tila nakakatawa.
Ibinahagi kasi ng isang Ambulance Service na ilan sa kanilang mga natatanggap sa kanilang emergency hotline ay mga inappropriate na tawag.
Kasama sa mga nasabing tawag ay ang pagka-ipit ng isang daliri sa isang bote ng beer at
tawag na nagsasabing nawawala raw ang kanyang alagang alligator?
Inihayag din ng organisasyon na mayroong 426,116 na tawag ang dumating sa kanila noong 2024, at sa 63,836 na iyon, humigit-kumulang 15%, ay hindi maikokonsedirang life and death situation o isang emergency.
Ilan pa sa mga tumawag ay nagsabing naputol ang kanilang isang ngipin, at isa pa ay hindi maalis ang isang masikip na accessory.
Paalala naman ng organisasyon na ang emergency hotline ay para lamang sa mga emergency situation.