Mga kabombo! Isa ba kayo sa mga may trust issues sa mga doktor?
Sa mga naniniwala sa kuro-kuro na baka ini-scam ka lang sa sakit mo?
Paano na lamang kung malaman mong totoo pala ito sa ibang lugar?
Isang nakakagulat at nakakagalit kasing balita mula sa Texas ang gumulantang sa publiko.
Paano ba naman kasi, isang doktor ang kinulong ng 10 taon matapos mapatunayang niloko niya ang daan-daang pasyente sa loob ng maraming taon para lang yumaman!
Kinilala ito na si Dr. Jorge Zamora-Quezada, isang 68-anyos na rheumatologist mula Mission, Texas, kung saan ay umamin ito na nagsinungaling siya sa mga pasyente.
Ayon sa imbestigasyon, kahit malusog ang mga ito, sinasabi niyang may malalang sakit sila gaya ng arthritis, para mapilitan silang magpa-gamot at magpa-test—kahit hindi naman kailangan.
Ang mas malala, ang mga gamot at treatment na ibinigay ay mahal at delikado, at nagdulot pa ng mga side effect gaya ng stroke, pagkabulok ng panga, pagkakalbo, at sakit sa atay.
May mga pasyente na hirap bumangon sa kama, habang ang iba’y napilitang huminto sa pag-aaral.
Dahil dito, kumikita si Dr. Zamora-Quezada ng mahigit $118 milyon sa panloloko, at umabot sa $28 milyon ang binayaran ng mga insurance companies. Gamit ang perang ito, nabili niya ang 13 ari-arian, isang private jet, at isang Maserati na sports car.
Ayon sa Department of Justice, dalawang dekada niyang pinagkakitaan ang kalusugan ng kanyang mga pasyente habang inaabuso rin ang kanyang mga empleyado.
Pinipilit umano niyang sumunod ang staff niya sa mga illegal na gawain, at tinatakot ang mga may visa para hindi magsumbong.
Ngayon, nahaharap siya sa kaso at nakatakdang makulong ng 10 taon at 3 taong pagbabantay pagkatapos makalaya, inutusan din siyang ibalik ang $28.2 milyon, kasama ang kanyang mga ari-arian at mamahaling gamit.