Isang Dagupeña, nanguna sa katatapos na Mining Engineer Licensure Examination

161

Nanguna sa katatapos na August 2019 Mining Engineer Licensure Examination ang isang Dagupena.

Mula sa 375 board passers, nakakuha ng 91.20 percent na score si Rachel Angela Ferrer na tubong Mayombo, Dagupan City.

Nagpaabot naman ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan maging ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ng pagbati kay Ferrer.

--Ads--

Si Ferrer ay nagtapos sa University of the Philippines Diliman sa kursong Bachelor of Arts in Mining Engineering.