Ibinalik ng isang customer sa Bracknell, England ang kaniyang biniling salad sa supermarket dahil sa laman nitong extra. Subalit ang extra na ito ay hindi karagdagang pagkain, kundi isang palaka.

Ayon sa isang reptile rescue group, natagpuan ng customer ang palaka sa kaniyang biniling salad sa Waitrose.

Kinuha naman ni Rescuer Graham Martin ang naturang palaka at pansamantalang nasa pangangalaga niya ito. Hindi naman malinaw kung mula ito sa ibang bansa.

--Ads--

Tiniyak naman ni Martin na nasa magandang kalagayan ito kung saan nilagyan niya ng lupa, dahon, at maliit na water bowl ang enclosure na kinaroroonan ng palaka.

Humingi naman ng tawad sa customer si Jihn Lewi, ang parent company ng naturang supermarket.

Aniya, dumadaan sa maayos na proseso ang paglilinis ng kanilang mga produkto. Gayunpaman, napakadalang na pangyayari umano ito para sa kanila.