Trending at agaw atensyon ngayon sa mga netizens ang di umano’y cross-dresser na lalaki sa China dahil sa kaniyang kakaibang pambibitikma?

Kalat ngayon ang kaniyang mga video kung saan all-dressed bilang babae ang nasabing lalaki at nagdadala ng mga lalaki sa tinutuluyan niyang kwarto.

Ang cross-dresser na ito ay isang middle-aged man na binansagan bilang “Red Uncle”. Siya ay 38 anyos na naninirahan sa Nanjing, China at kilala sa surname na Jiao.

--Ads--

Ang kaniyang ginagawa kase ang dahilan ng kaniyang pagkakaaresto dahil hindi man tutol ang bansang China sa same-sex relationship subalit, palihim niya naman na kinukunan ang pakikipagtalik sa mga dinadala niyang lalaki.

Hindi lang iyan, mga Kabombo! There’s more! Dahil umabot na sa mahigit isanlibong lalaki ang nakatalik ni Red Uncle sa loob ng tatlong taon.

Ang mga video niya kaniyang nakunan ay kinakalat niya sa internet at pinagkakakitaan pa niya.

Sa ilalim ng batas ng China, ang pagkalat ng nasabing uri ng videos ay may karamptang kaparusahan.

Ikinababahala pa ng publiko na posibleng magdulot pa si Red Uncle ng sexual disease kaya mahigpit na pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang mga nabiktima na magpakonsulta agad at magpasuri.