Nasawi ang isang 30 anyos na criminology instructor matapos makuryente habang tumutulong sa konstruksiyon ng kaniyang bahay sa bayan ng Laoac, Pangasinan.
Ayon kay PCpt. Rez Gerome Cachin, hepe ng Laoac PNP, kinalala ang biktima na si John Repoyo, residente ng sitio Pudo, San Felipe Central sa bayan ng Binalonan.
Saad ng hepe na nagpagawa ng bahay ang biktima sa Laoac. Bagamat mayroon naman aniyang itong tagagawa, tumutulong pa rin siya para mas mapabilis ang trabaho.
Base sa resulta ng kanilang ginawang imbestigasyon, nakatuntong ang biktima sa scaffolding habang nagkakabit ng kesame nang napansin ng kasama ng biktima na nagspark ang kable.
Nagawa pang sumigaw ng “koryente” ang biktima ng ito’y makuryente at paunti-unting nahulog mula sa tinuntuntungan nitong scaffolding habang nakahawak sa kable.
Agad namang binunot ng kasama nito ang extension wire.
Isinugod sa pagamutan sa Urdaneta City ang biktima subalit idineklarang DOA.Payo naman ng hepe para sa mga kababayan na hindi gaanong eksperto lalo na sa paggamit ng kuryente na magingat at magpatulong sa mga nakakaalam.
Unang kaso ng electrocution incidente mula ng maupo ang bagong talagang hepe ng Laoac.




