Nasawi ang isang content creator sa Brgy. Luzviminda, sa Puerto Princesa City matapos itong kumain ng isang uri ng nakalalasong alimango o kung tawagin ay devil crab.

Ang nasabing alimango ay nakuha ng pamilya ni Emma Amit, ang naturang content creator, sa karagatan sa Sitio Tacduan ngunit hindi lingid sa kanilang kaalaman na ito ay nakalalason.

Nagawa pang mai-vlog ng biktima ang pagluto nito kasabay ng ilan pa sa kanilang mga nahuli.

--Ads--

Hindi lamang si Amit ang nakakain ng nasabing alimango kundi maging ang kaniyang kaibigan.

Dumating kase ito kinaumagahan habang sila ay kumakain at kanilang inalok ito.

Matapos itong kumain ng isang devil crab ay nakaramdam ito ng pagmamanhid ng kaniyang bunganga at kalaunan ay naglalaway na ito.

Nagawa pa nila itong maitakbo sa pagamutan at naagapan agad.

Habang si Amit naman ay nawalan na lamang din ng malay ngunit nang maitakbo ito sa ospital ay binawian din ng buhay.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, natuklasan ang pitong tuklap ng devil crab sa basurahan ng kanilang bahay.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na may nalason sa Brgy. Luzviminda dahil sa devil crab, ayon ito sa panung barangay.