Isang Canadian na dog-lover ang nakapagtala ng Guinness World Record dahil nagawa nitong maglakad kasama ang 38 na mga aso.

Umabot ng 0.6-mile sa paglalakad sina Mitchell Rudy kasama ang mga aso upang higitan ang record ng isang Koreano na may 36 na aso.

Nagmula sa Korena K9 Rescue shelter ang mga aso na nakasama ni Rudy sa kaniyang pagtangkang makamit ang titulong “Most Dogs walked simultaneously by an individual.”

--Ads--

Ang ginawa ni Rudy ay upang i-promote ang dog adoption kaya napili niyang isama ang mga aso na niligtas ng Korean K9 Rescue o KK9R.

Saad pa niya, mabubuti ang mga aso na kaniyang nakasama at deserve nila ng bahay na tatanggap sa kanila.