BOMBO DAGUPAN – Magpapahinga ng buong isang buwan si Olympic double gold medalist na si Carlos Yulo matapos ang paglahok sa 2024 Paris Olympics.

Hindi lalahok si Yulo sa anumang kompetisyon sa natitirang bahagi ng taon at sa halip ay tututukan ang pagpapanatili ng talas ng mga kasanayan.

Maliban sa Southeast Asian Games sa Thailand sa susunod na taon, si Yulo ay maghahanda para sa maraming FIG World Cups at sa World Artistic Gymnastics Championships upang magpatuloy sa pag-iipon ng mga kinakailangang puntos.

--Ads--

Isa pang karangalan ang naidagdag nina Yulo at boxing bronze medalists na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas sa kanilang lumalaking koleksyon nang sila ay ginawaran ng Philippine Senate Medal of Excellence.