Makalipas ang higit 500 taon, pumutok muli ang isang bulkan sa malayong silangang bahagi ng Russia dahil umano sa kamakailang naranasang 8.8 magnitude earthquake, ayon ito sa mga eksperto.

Nagbuga ng abo ang Krasheninnikov Volcano sa Kamchatka na umabot sa taas na 6km.

Hindi pa naman ito nakikitaan ng emergency ministry ng Russia ng panganib sa mga matataong lugar.

--Ads--

Makalipas naman ang ilang oras, nakaranas muli ng malakas na pagyanig ng lupa ang Russia at nagdulot ito ng tsunami warnings sa 3 lugar.

Ang parehong pangyayari ay konektado umano sa 8.8 magnitude earthquake.