Nagpositibo sa covid19 ang isang Person Deprived of Liberty (PDLs) o bilanggo sa Municipal Police Station ng San Fabian dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa advisory na inilabas ng lokal na pamahalaan, isang 48 taong gulang na lalaki mula Quezon City ang naturang PDL na kasalukuyang asymptomatic at posibleng nagkaroon ng exposure mula sa lugar na kaniyang pinanggalingan.
Sa ngayon, nasa isolation facility ito at nasa stable na kalagayan.
Sa kabuuan sa December 26 covid19 report ng lokal na pamahalaan, nasa 80 ang kumpirmadong kaso ng covid19 kung saan 4 ang aktibong kaso, 70 ang gumaling na at 6 ang naitalang nasawi.
Sa apat na aktibong kaso, 2 ang mula sa barangay Poblacion habang tig-isa naman sa barangay Bolasi at Cayanga.
Samantala, naitala din ang bagong death case ng covid19 kahapon, December 26 sa bayan ng San Fabian na isang 65 taong gulang na lalaki na nakaranas ng sintomas ng covid19.
Naadmit sa pagamutan noong December 25, 2020.
Sa kabilang dako sa pagtutulungan ng mga frontliners sa pangunguna ng mga RHU, PNP, MDRRMO at iba pang ahensya sa bayan ng Bayambang ay nakapagtala sila ng 0 active case matapos na gumaling ang huling asymptomatic na pasyente.