Mga Ka-bombo! Isa ka rin ba sa mga laging tinatamad gumawa ng homework?
Ano ang gagawin mo kung pinagalitan ng ng iyong mga magulang dahil dito?
Kakaiba kasi ang ginawa ng isang 10 na taong gulang na bata sa China, kung saan isinumbong niya ang kaniyang ama sa mga pulis bilang drug user matapos pagalitan dahil sa hindi paggawa ng homework.
Matapos ang matinding sermon, umalis ang bata at humingi ng tulong sa isang tindahan para makagamit ng telepono.
Tinawagan niya ang 110, ang emergency number sa China, at nagsabing may ebidensya siya na nagtatago ang ama ng ilegal na droga, partikular na ang mga dried poppy shells.
Dahil dito, agad rumesponde ang mga awtoridad at nagsagawa ng paghahanap sa bahay ng pamilya.
Nakakita sila ng walong dried poppy shells sa balkonahe.
Inamin ng ama na binili niya ang mga ito ngunit bilang panggamot, hindi alam na ilegal pala ang pag-aari nito.
Dahil dito, kinuha ang ama ng mga pulis at ipinasa sa Anti-Narcotics Brigade.
Pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na ilegal ang magtago o magtanim ng poppy husks nang walang kaukulang permiso, at may kaakibat itong mabigat na parusa.