“I have a mother, “a photograph that moved the world!”

Ilan lamang iyan sa mga binitawang komento at caption ng mga netizens matapos magviral ang isang social media post online.

Tila umantig kasi sa damdamin ang larawan ng isang bata na kung saay ay nakahiga ito sa drawing na isang babae sa sementadong kalsada.

--Ads--

Ang post ay nakakuha ng 95K reactions, 2,834 comments, at 9.2K shares.

Sa mga diskusyon sa comments section, may mga ilang nagsabing ang bata ay nasa isang orphanage sa Afghanistan.

Marami rin sa mga nagkomento ang nagsabing kung may kapasidad lang sila, aampunin nila ang bata.

Dito na naantig ang damdamin ng mga ina at inilarawan ito bilang “a photograph that moved the world!”

Lumalabas naman na ang larawan ay kuha ng Iranian photographer na si Bahareh Bisheh.

At ang original nito ay ini-upload niya sa photo-sharing site na Flickr noong June 21, 2012.

Walang ginawang explanation si Bahareh tungkol sa larawan.

Ngunit nilagyan lang niya ito ng caption na: “I have a mother.”

Nang magsimulang mag-viral ang larawan kalakip ang malungkot na kuwento tungkol sa batang orphan na nangungulila sa ina, lumantad si Bahareh.

At bagama’t 2012 pa nakunan ni Bahareh ang original photo at iba’t iba ang naging kalakip na kuwento sa social media, pinatunayan ng imahe ang isang malakas na mensahe—na sa kabila ng kaguluhan sa mundo, nananatiling may malasakit sa puso ng mga tao.