Mga kabombo! Isa ka ba sa mga mahihilig mangolekta ng coin?
Baka ito na ang tiyansa mo para yumaman o maging isang ganap na Milyonaryo?
Isang 248-year-old coin kasi ang itinuturing na “one of America’s oldest coins” na siyang naibenta naman sa isang auction ngayong taon 2024.
Ayon sa ulat, napag-alaman umano na ito ay isang Continental Currency dollar na na-mint noong 1776.
Kung saan ang halaga nito ay tumatagingting lang naman na US$32,000 o katumbas ng higit P1,846,800.
Makikita naman sa pinaka-gitna ng barya ang imahe ng araw at sundial, at may katagang: “Mind your business.”
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung gaano na katagal sa loob ng tin ang coin bago ito natagpuan.
Ito’y matapos na kamakailan lamang din ito naalalang buksan, at noong nakita ang coin ay dinala sa auction house para masuri.
Ayon naman sa kumpirmasyon ni auctioneer Joseph Trinder na hindi pa 6,000 pirasong lamang ang na-mint at posibleng nasa 100 piraso na lang ang nalalabi ngayon.
Samantala, para mapatunayang authentic ang coin, isang committee ng specialists ang sumuri sa coin at isinailalim sa X-ray at iba pang scientific tests sa U.S.