Mga Kabombo! Sawa ka na ba sa nakaka-inis na kagat ng lamok?

Isa ka rin ba sa mga nangangati sa kagat ng nasabing insekto?

Dahil sa patuloy na paglamig na klima at pabago-bagong panahon ay naglipana na naman ang sakit tulad ng Dengue.

--Ads--

Dahil sa pagka-alarma, gumawa ng paraan ang isang barangay sa Mandaluyong City, kung saan nag-aalok sila ng P1 na pabuya sa bawat lamok na mahuhuli o masusupil!

Ayon sa mga opisyal, ang pabuya ay ibinibigay sa kanilang mga residente ay isang paraan upang kumaunti ang mga pagala-galang lamok sa lugar.

Hindi na kasi biro ang lumulobong kaso ng Dengue sa Metro Manila kaya’t naisip nila ang kakaibang paraan.

Naghanda ng isang aquarium ang mga opisyla kung saan iipunin at susupilin ang mga nahuling lamok.

Magsisimula naman ang nasabing kakaibang reward system sa Pebrero 21.