Isinailalim sa isang linggong localized lockdown ang Zone 3 ng barangay San Vicente sa bayan ng Bani, Pangasinan mula August 29 hanggang September 5 matapos magpositibo sa covid19 ang isang residente doon na nanggaling sa Pasay city.
Ang naturang pasyente ay isang seafarer na nagpa-swab test sa Pasay, City noong August 27, 2020 at umuwi sa barangay San Vicente noong August 28, 2020, upang bumisita sa kanyang magulang.
Kasalukuyan nang isinasagawa ang contact tracing ng mga nakasalamuha ng pasyente upang matiyak ang mas epektibong pagmomonitor at mapigilan ang posible pang pagkalat ng virus.
Paalala ng lokal na pmahalaan sa kanilang kababayan na manatiling kalmado, ugaliing magsuot ng pang-proteksyong face mask at face shield at higit sa lahat, maki-isa sa pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat.




