Mga Ka-bombo! Naniniwala ka ba sa kwentong barbero? 

Hindi iyong kwentong tila hindi kapani-paniwala, kundi kwentong karanasan sa isang barber shop. 

Isang kakaibang insidente kasi ang nangyari sa isang rehiyon sa China matapos pumasok ang isang baka at nagdulot ng kaguluhan sa loob ng salon. 

--Ads--

Habang abala ang mga customer at stylist sa kanilang mga gupit, pumasok ang nasabing hayop sa loob ng barber shop nang walang pag-aalinlangan, tinutulak ang pinto at naglalakad na tila isang customer sa pagitan ng mga upuan at gamit sa loob.

Kalaunan, tumigil din ang baka at huminto sa harap ng counter, kung saan ito nahuli matapos pakalmahin. 

Ayon sa ulat, ang baka ay nakaramdam ng anxiety habang ina-load ito sa isang truck at sa kalagitnaan ng kaguluhan, tumakas ito at napadpad sa barbershop. 

Agad na tinanggap ng may-ari ang kanyang pagkakamali at pinagmulta ng $137 (humigit-kumulang ₱7,500) dahil sa kapabayaan sa pagpapalakad ng kanyang hayop.