Dagupan City – Inaresto ng kapulisan ang isang 25-anyos na babae na mangangalakal ng gulay matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest (WOA) kaugnay sa kasong estafa sa bayan ng Rosales.

Kinilala ang akusado bilang residente rin ng Rosales, at ang operasyon ay pinangunahan ng Rosario Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Rosales Police Station sa ilalim ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO).

Ayon sa warrant na inisyu, ang akusado ay nahaharap sa kasong estafa kung saan itinakda ang piyansang nagkakahalaga ng ₱72,000 para sa pansamantalang kalayaan.

--Ads--

Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa Rosario MPS kung saan siya kasalukuyang nakadetine habang hinihintay ang susunod na proseso ng kanyang kaso.

Pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat sa lahat ng uri ng transaksyon upang maiwasan ang pagkakasangkot sa mga kasong may kaugnayan sa panlilinlang o estafa.

Hinihikayat din ang mga mamamayan na makipag-ugnayan sa pulisya kung may mga pagdududa silang naramdaman sa anumang transaksyon.