Mga kabombo! lalo na sa mga kababaihan, ikaw ba ay may appendicitis? Naku, magpacheck up ka na.
Isang 26 taon gulang na babae mula Blackburn, Lancashire sa England ang tinakbo sa ospital dahil umano sa suspetyang may appendicitis ito subalit, kalaunan ay nagluwal ng isang baby boy.
Nakaramdam umano si Megan Isherwood ng pananakit sa kanang bahagi ng kaniyang katawan at nagduduwal ng dugo.
Upang makumpirma ng mga doktor sa Blackburn Hospital, sinuri nila si Isherwood sa pamamagitan ng ultrasound at CT scans.
Kanila na lamang ikinagulat nang makita nila sa resulta ang isang maliit na ulo at paa at kanilang napagtanto na buntis pala ang kanilang pasyente.
Hindi rin ito inaakala ni Isherwood dahil sa kaniyang kamakailang mga pregnancy tests ay nagnegatibo ang mga ito.
Lalo pa niyang ikina-surprise ay dahil sa loob ng 9 na buwan, wala itong nakitang sintomas at hindi rin lumaki ang kaniyang tiyan.
Hanggang sa dumating ang araw na nagising na lamang siya ng alas 4 ng hapon at hindi na mabuti ang kaniyang nararamdaman.
Pinangalanan niya ang kaniyang ‘unexpected son’ na si Jaxson at may biyan itong 4.6lbs.
Naniniwala naman siya na ang ama nito ay isang lalaki na hindi niya karelasyon.