Hindi rin pala nakakakilig ang pakikipaghalikan, dahil may iba rin pala na nakamamatay ito para sa kanila.

Gustuhin man ni Caroline Cray Quinn, residente sa Boston, ang magkaroon ng romantic moments subalit pinipigilan siya ng kaniyang chronic condition na kilala bilang Mast Cell Activation Syndrome (MCAS).

Ito ay isang immune disease na nagdudulot sa kaniyang mga cells na maling kilalanin ang mga bagay-bagay kabilang na ang kaniyang mga allergens.

--Ads--

Upang maiwasan na magkaroon si Quinn ng iba’t ibang sintomas na maaaring ikapahamak niya, nag isip siya ng 3 rules para sa mga lalaking nais siyang halikan.

Una na rito na sa loob ng 24 oras bago siya halikan ay hindi dapat kumain ang mga ito ng mga pagkain na allergic si Quinn, kabilang na ang mani o peanut, tree nuts, sesame, kiwi, mustard, o seafoods.

Pangalawa, hindi dapat sila kumain sa loob ng 3 oras bago siya halikan.

At pangatlo, dapat ay nakapg-toothbrush.

Ayon naman sa kaniya, hindi siya nag-iisa sa kaniyang kalagayan dahil may mga sikat din na personalidad ang katulad niya. Kabilang na dito si Billie Eilish at Halsey.

Samantala, sa kasalukuyan ay mayroon nang pinakilalang kasintahan si Quinn. At aniya, tinitiyak ng kaniyang boyfriend ang kaligtasan niya.