Dagupan City – Mga kabombo! Isa ba kayo sa mga may malabong mata at ayaw magsalamin kaya pinipiling mag-contact lense?
O kaya’y mahilig gumamit ng contact lense bilang disenyo ng inyong mata?
Isang 33-anyos kasi babae ang nagulat matapos matuklasan ng kaniyang mga doktor ang lima sa kanyang nawawalang contact lenses na naipit pala sa likod ng kanyang kaliwang mata!
Kinilala umano ang babae na si alyas “Ms. A” kung saan ay nagpunta umano ito sa Plastic Surgery Hospital ng Chinese Academy of Medical Sciences upang ipagamot ang hemifacial atrophy.
Natuklasan umano ang pangyayaring ito nang isagawa nila ang isang opreasyon sa kondisyon ni “Ms.A” kung saan ang kalahati ng kanyang mukha ay tumabingi at ang kanyang kaliwang mata ay bahagyang lumubog. At bilang solusyon, nagdesisyon ang mga doktor na mag-inject ng taba sa likod ng kanyang mata upang mapunan ang nawawalang tissue.
Dito na umano tumambad ang sa mga doktor ang limang magkakaibang contact lenses sa likod ng eyeball ng kanang mata ng pasyente.
Ayon kay Ms. A, napansin niyang may mga nawawala siyang contact lens sa mga nakaraang buwan ngunit inakala niyang na-misplace lang niya ang mga ito.
Paliwanag naman sa kanyang kondisyon, ang hemifacial atrophy ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng espasyo sa likod ng kanyang mata para ang mga contact lense ay madulas papasok sa loob nito.
Sa kabutihang palad, hindi naman ito nagkaroon ng seryosong komplikasyon, ngunit ayon sa mga doktor, maaari itong humantong sa impeksiyon o pinsala sa cornea kung hindi natanggal agad.
Dahil sa pambihirang insidenteng ito, nagpaalala ang mga eksperto na kailangang magsagawa ng masusing pagsusuri sa mata bago sumailalim sa anumang operasyon, lalo na sa mga pasyenteng madalas gumamit ng contact lens.