Mga kabombo! Ika nga ng kalalakihan ang mga babae ay maingay.

Ngunit paano na lang kung ang kaingayan na ito ay kayang magtala ng world record.

Gaya na lamang nang nasungkit na panibagong Guinness World Record ng isang babae sa Nigeria matapos siyang magbilang nang malakas (count out loud) hanggang 1,070,000 sa loob ng 70 sunud-sunod na araw.

--Ads--

Kinilala ang record-holder na si Favour Ogechi Ani.

Ayon sa impormasyon, nagsimula ang kaniyang world record attempt noong October 8, 2025, kung saan kinulong niya ang kanyang sarili sa loob ng bahay at naglaan ng aabot sa 14 hours a day para lamang magbilang.

Na-stream din niya ang kanyang araw-araw na pagbibilang sa social media platform bilang official proof para sa Guinness.

Ayon kay Favour, kahit nakakapagod at nakaka aaliw ang walang tigil na pagbibilang, hindi sumagi sa isip niyang sumuko.

Sa katunayan, naging malaking tulong ang suporta ng kanyang team at ang kanyang matinding determinasyon na gumawa ng isang pambihirang kasaysayan.

Nauna na rito, ang previous record na hindi na-break sa loob ng 18 years ay nakapako lamang sa 1,000,000.

Sa halip na huminto sa 1,000,001, ipinagpatuloy ito ni Favour hanggang umabot sa 1,070,000 noong December 16 2025.