Mga kabombo! Isa ka ba sa mga mahilig maglagay ng sunscreen?
Paano na lamang kung malaman mong ang sobrang paglalagay nito ay nakakasama pala sa balat ng katawan?
Umani kasi ng matinding diskusyon sa social media ang isang 48-anyos na babae mula Chengdu, China matapos maging viral ang kanyang kakaibang kaso.
Ayon sa ulat, nabalian siya ng buto matapos lamang gumulong sa kanyang kama.
Dito na umano nadiskubre ng mga doktor na matinding vitamin D deficiency ang pinagdadaanan ng pasyente, na nagdulot ng seryosong pagkawala ng bone mass at matinding osteoporosis.
Ayon sa medical expert, halos buong buhay ng babae ay hindi siya nasisikatan ng araw — bihira siyang magsuot ng short sleeves tuwing lalabas at palaging naka-sunscreen.
Hindi rin ito itinuturing na isang isolated case, dahil marami na rin ngayon ang sobra ang pag-iwas sa araw dahil sa kagustuhang mapanatili ang maputing kutis, pero nakakalimutan ang papel ng araw sa kalusugan ng ating mga buto.
Paalala naman ng eksperto, habang mahalaga ang paggamit ng sunscreen para maiwasan ang skin cancer at iba pang sakit sa balat, dapat pa ring magkaroon ng balanced sun exposure.
Dahil ang araw pa rin ang pangunahing source ng vitamin D na mahalaga hindi lamang sa buto kundi maging sa immune system.